BREAKING NEWS

Ana Victoria DoloresMay 13, 20192min140

Rodrigazo, San Luis, Sumampong

Sa panayam kanina kay Atty. Arnold Bayobay, isang election lawyer, ipinaliwanag nito ang vote buying at iba pang paglabag ngayong election.

Ayon kay Atty. Bayobay, kahit malabo ang kahulugan ng vote buying, para sa kanya, isa itong criminal offense na base sa kontrata ng pagbebenta: may nagbebenta at may bumibili. Nabanggit din niya na sa election code of national candidates, tatlong piso lamang kada mamboboto ang maaaring gastusin ng isang senador sa kanyang kampanya.

Nilinaw niya na dapat klaruhin kung ano nga ba talaga ang vote buying.

Aniya, ang pagbabayad sa mga watchers ay hindi kabilang sa vote buying dahil parte ito ng campaign machinery.

Para naman sa mga diskwalipikasyon bago mag eleksyon, ayon kay Atty. Bayobay, sa COMELEC dapat maghain ng reklamo. Pero kung maghahain ng reklamo matapos ang eleksyon, ang forum o tribunal ng lokal na pamahalaan ang maaaring lapitan. Ang senate electoral tribunal naman ang tatanggap ng mga reports para sa mga reklamo ukol sa mga senador. Binibigyan lamang ng sampung araw ang mga magrereklamo para sa pagfa-file ng diskwalipikasyon.

Nang tanungin ukol sa napansin niyang mga pagbabago sa Eleksyon 2019 mula sa mga nakaraang automated elections, binaggit nito ang pagkakaroon ng Voter Verifiable Voter Trail o ang VVPAT kung saan nababasa na ng mga boto ng mga botante. Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng Voters Electronic Thumbprint Verifier na siyang sumisiguradong walang illegal voters ang makakaboto.

 

 



Catherine Bucu-FloresMay 13, 20191min50

Ayon sa ilang first time voters ng Masapang, Victoria, Laguna, dapat pagtuunan ng pansin ng mga manunungkulan ang sektor ng edukasyon. Ito ang kanilang sagot matapos silang kapanayamin ng Bantay Halalan Lagun 2019 volunteers sa Masapang Elementary School. Bukod sa edukasyon, mahalaga rin sa para sa mga botanteng ito na pagtuunang-pansin ng mga mahahalal ang ekonomiya, seguridad, agrikultura, at kalusugan.

Tinanong din ang mga kabataang botante kung anong mga katangian ang hanap nila sa isang kandidato. Para sa kanila, mahalagang katangian ang mahusay na educational background at track record, bilang pangunahing basehan kung sino-sino ang mga iboboto.

Ipinaalala rin ng mga kabataang botante ng Masapang na dapat maging matalino sa pagpili ng iboboto sa pamamagitan ng pagkilatis ng background ng mga kandidato. Ayon sa kanila “kung gaano kahaba ang pila, ganun din dapat kahaba ang pasensya.” -Ramon Isagani Delfin  (Mula sa ulat ni Aria Caisip)



About us

This is a partnership among different academic and media institutions in Laguna to promote voters education and provide local election coverage. Bantay Halalan Laguna 2019 is a public service initiative of the UPLB College of Development Communication.


CONTACT US

CALL US ANYTIME



Latest on Twitter



Newsletter