BREAKING NEWS
Sta.-Rosa-1280x853.jpg

Charlene Mae ArkainaMay 13, 20191min930

Allysa Federio, mula sa ulat ni Samuel Yap

STA. ROSA, LAGUNA – Ilang botante ng Barangay Pooc, Sta. Rosa City, Laguna ang nabigla sa pagkahalo-halo ng kanilang mga pangalan sa presinto ng Jose Zavalla Memorial Elementary School – ang pinakamalaking polling center sa lungsod.

Ayon kay Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) volunteer Buena Carvajal, hindi mahanap ng ilang residente ang kanilang presinto kaya halos isang daang botante ang umalis sa paaralan dahil sa pagka-inip at pagkadismaya.


IMG20190513081711-1280x960.jpg

Catherine Bucu-FloresMay 13, 20191min1000

Isang senior citizen na botante ng San Antonio Elementary School sa Bay, Laguna ang nahimatay dahil sa matinding init kaninang pasado alas-otso ng umaga.

Ayon sa mga nakakilala sa kanya, siya ay may sakit at madalas nang mahimatay. Dalawang miyembro ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO ang agad namang dumating sa presinto upang rumesponde.

Wala pang first aid kit nang mangyari ang insidente,  kaya inalalayan na lamang ng mga rumesponde ang botanteng nahimatay para makalabas sa presinto at makauwi.


Balibago-1280x960.jpg

Charlene Mae ArkainaMay 13, 20191min940

Allysa Federio, mula sa ulat ni Raine Monteposo

STA. ROSA, LAGUNA – Patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga botante sa Balibago Elementary School. Mayroong 12 clusters nasabing polling precinct. Mayroon namang 10, 968 na botante ang Brgy. Balibago, Sta. Rosa City.

Naipon ang mga botante sa waiting area dahil limang presinto lamang kada cluster ang nabuksan. Mabusisi rin ang mga miyembro ng electoral board sa daloy ng pila at mayroon pa ring express lane para sa PWD, senior citizens at buntis.

Sa kasalukuyan, wala pa namang nairereport na insidente ng natumba o nahimatay kahit pabago-bago ang klima.

 

 



Allysa FederioMay 13, 20191min480

Allysa Federio, galing sa ulat ni Laurenz Cruz

PAETE, LAGUNA  – Limang botante ang naireport na nahihilo dahil sa init ng panahon at biglang pag-ulan sa Paete Elementary School at Quinale Elementary School. Ang ilan dito ay dahil nalipasan na ng gutom dahil sa kahabaan ng pila.

 

May ilang botante rin ang nagkaproblema sa dahil hindi nila makita ang pangalan nila sa mga rehistrado. Ang ilan dito ay mga OFW na umuwi lamang para bumoto ngunit nawala ang kanilang pangalan.

 

Dalawang VCM rin ang naiulat na pumalya ngunit mabilis namang naiayos ng Technical Staff dito.

 

 


virtudes-1.png

Jewel LabitaMay 13, 20191min1230

Mark Angelo B. Virtudes

 

LOS BANOS, LAGUNA – Dahil sa dami ng botante, nanatili pa ring mahaba ang pila sa clustered precincts sa B.N. Calara Elementary School ngayong tanghali.

Ayon sa ilang mga botante, umabot na ng dalawang oras na silang nakapila ngunit hindi pa rin sila nakakaboto.

Ayon sa isang poll watcher, limang PCOS machines lamang ang mayroon sa buong B.N. Calara Elementary School. Pinagsama-sama rin ang limang clustered precincts, at ang bawat clustered precinct ay binubuo ng walo hanggang sampung presinto.

 

Mga botanteng nakapila sa B.N. Calara Elementary School (Photo by Paulo Luis Zipagan)

 


Screen-Shot-2019-05-10-at-9.34.19-PM-1280x700.png

Pamela Joyce EleazarMay 13, 20191min930
ni Ryan Jay Galang
Ang mataas na volume ng mga botante mula pa kaninang umaga ang dahilan ng problema sa haba ng pila sa mga presinto sa Kalayaan National High School (KNHS) sa Brgy. Canlubang, Calamba, Laguna at hindi ang pagkasira ng mga Vote Counting Machine.
Ayon sa mga District Election Supervising Officer Arnold Forteza at Sandra Estimada, nakasanayan na umano ng mga taga-Canlubang na bumoto ng maaga, kaya inaasahan na mamayang hapon pa huhupa ang pila ng mga botante. Samantala, ayon naman kay Forteza, di umano, may mga itinalaga na silang waiting area ngunit ayaw gamitin ng mga tao dahil baka masingitan umano sila.
Ang Barangay Canlubang ang pinakamalaking barangay sa Calamba na may humigit kumulang na 40,000 registered voters. Ang Calamba naman ay tinaguriang vote rich na siyudad na may humigit kumulang na 300,000 registered voters.

PAMATMAT-1-1280x960.png

Jewel LabitaMay 13, 20191min1030

Shekinah Joy Pamatmat

 

LILIW, LAGUNA- Sa kasalukuyan, maayos at mapayapa ang halalang isinasagawa ngayon sa bayan ng Liliw. Patuloy pa rin ang pagdating ng mga botante upang bumoto sa Brgy. Tuy Baanan.

Kapansin-pansin naman ang kalinisan ng bawat presinto. Ni isa ay walang makikitang mga supporters ng bawat kandidatong namimigay ng flyers. Ito na rin ay ang pagpapakita ng pagsunod ng mga kandidato sa maagang paalaala ng Commission on Elections (COMELEC) na hanggang Mayo 11 na lang ang kanilang pangangampanya.


IMG_20190513_092043-1280x640.jpg

Catherine Bucu-FloresMay 13, 20191min970

Naging mahaba ang pila ng Clustered Precinct 4 ng Francisco Benitez Memorial School sa Poblacion, Pagsanjan, Laguna dahil sa pagsasama-sama ng mga presintong 10A, 11A, 16A, 16B, 17A, at 18A. Sa ulat kaninang pasado alas-nuebe, mahaba ang pila sa nasabing pampublikong paaralan at mabagal rin ang usad ng mga botante dahil sa pagsasama-sama ng mga nasabing presinto.


20190513_075337-1280x622.jpg

Catherine Bucu-FloresMay 13, 20191min980

Inorganisa ng Maitim Elementary School sa Bay, Laguna ang isang paging system kung saan nagpapatugtog sila ng mga awitin at nagbibigay ng mga instruksiyon para sa mga botante. Isinasagawa ang inisyatibong ito sa pangunguna ng Maitim ES principal na si Nazareth B. Alvento. Bahagi ito ng serbisyo ng nasabing paaralan tuwing may okasyon at mga aktibidad tulad ng eleksyon na idinaraos sa kanila. Layunin nitong mapabilis ang pagbibigay ang mga importanteng mga impormasyon at instruksiyon sa mga tao sa paligid.



About us

This is a partnership among different academic and media institutions in Laguna to promote voters education and provide local election coverage. Bantay Halalan Laguna 2019 is a public service initiative of the UPLB College of Development Communication.


CONTACT US

CALL US ANYTIME



Latest on Twitter



Newsletter