BREAKING NEWS

Ana Victoria DoloresMay 13, 20192min870

Rodrigazo, San Luis, Sumampong

Sa panayam kanina kay Atty. Arnold Bayobay, isang election lawyer, ipinaliwanag nito ang vote buying at iba pang paglabag ngayong election.

Ayon kay Atty. Bayobay, kahit malabo ang kahulugan ng vote buying, para sa kanya, isa itong criminal offense na base sa kontrata ng pagbebenta: may nagbebenta at may bumibili. Nabanggit din niya na sa election code of national candidates, tatlong piso lamang kada mamboboto ang maaaring gastusin ng isang senador sa kanyang kampanya.

Nilinaw niya na dapat klaruhin kung ano nga ba talaga ang vote buying.

Aniya, ang pagbabayad sa mga watchers ay hindi kabilang sa vote buying dahil parte ito ng campaign machinery.

Para naman sa mga diskwalipikasyon bago mag eleksyon, ayon kay Atty. Bayobay, sa COMELEC dapat maghain ng reklamo. Pero kung maghahain ng reklamo matapos ang eleksyon, ang forum o tribunal ng lokal na pamahalaan ang maaaring lapitan. Ang senate electoral tribunal naman ang tatanggap ng mga reports para sa mga reklamo ukol sa mga senador. Binibigyan lamang ng sampung araw ang mga magrereklamo para sa pagfa-file ng diskwalipikasyon.

Nang tanungin ukol sa napansin niyang mga pagbabago sa Eleksyon 2019 mula sa mga nakaraang automated elections, binaggit nito ang pagkakaroon ng Voter Verifiable Voter Trail o ang VVPAT kung saan nababasa na ng mga boto ng mga botante. Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng Voters Electronic Thumbprint Verifier na siyang sumisiguradong walang illegal voters ang makakaboto.

 

 



John Mervin EmbateMay 13, 20192min810

Joshua Mae Hormigos

Umaga pa lamang ay kabi-kabila na ang naranasang aberya sa iba’t-ibang mga presinto sa Laguna.

Simula alas syete ng umaga hanggang alas tres ng hapon ay maraming mga netizen sa social media ang nagbahagi ng kanilang mga hinaing ukol sa mga pumalyang Vote Counting Machines o VCM sa kani-kanilang presinto.

Maraming lugar sa Laguna ang nakaranas ng mga pumalyang VCM. Ilan sa mga nabalitang presinto na may ganitong insidente ay ang Sto. Nino Elementary School sa Lumban; BN Calara at Malinta ES sa Los Baños; Siniloan ES sa Siniloan; Calo ES sa Bay; Pulo ES sa Cabuyao;, at ilang barangay sa Binan, Sta. Cruz, Bay, Paete, Magdalena, at San Pablo.

Tinutukan ng electric fan ang ilang nag-overheat na VCM. Bagama’t may ilang mga VCM ang napalitan, mayroong ilang presinto na nahirapang tawagan ang mga kinatawan ng COMELEC.

Ang naging solusyon ng mga pollwatcher ay kunin ang mga nasagutang voting forms mula sa mga botante at iproseso ang mga ito kapag dumating na ang mga kapalit na VCM.

 

 

 



John Mervin EmbateMay 13, 20199min1060

LOS BANOS, LAGUNA – Base sa parsyal na unofficial results sa ganap na 8:00 ng gabi, nangunguna si Cesar Perez sa pagka-mayor na may 12,130 na boto. Samantala, si Kuya Tony Kalaw naman, na may 12,275 na boto, ang nangununa para pagka-bise mayor.

Ang kasalukuyang nangunguna naman sa pagkagobernador ay si Ramil Hernandez na may 21,060 na boto, at sa pagkabise governador ay si Karen Agapay naman na may 23,261 na boto.

 

Names of Candidate

Votes Garnered

MAYOR
Balosoto, Budjong (PFP)

8,083

De Guzman, Leo’s Photo (IND)

532

Perez, Cesar (IND)

12,130

Tamisin, Norvin (IND)

3,285

Vargas, Ferdinand (KDP)

8,097

VICE MAYOR
Alipon, Procopio (IND)

10,879

Kalaw, Kuya Tony (IND)

12,275

Rolusta, Jay (NP)

7,793

MEMBER, SANGGUNIANG BAYAN
Alfonso, Greg (IND)

3,003

Alisunsunurin, Myla (IND)

7,630

Alipon, Marlo PJ (IND)

10,281

Alqueza, Kit (NP)

5,557

Bagnes, Cris (NP)

8,561

Banahisan, Efren (IND)

1,391

Batalon, Elino (IND)

1,255

Cabrera, Cesar (NP)

6,942

Ciceron, Jerico (NP)

10,666

Concepcion, Leticia (IND)

2,935

Concio, Mike Dexter (IND)

9,712

Corales, Adonis (IND)

1,392

Dizon, Mark Lester (IND)

7,400

Domingo, Arlene (IND)

5,495

Erasga, George (IND)

1,846

Evangelista, Baby Sumangil (NP)

13,323

Gahol, Arnaldo (IND)

1,846

Genil, Erick John (KDP)

5,266

Kalaw, GOB (IND)

4,813

Katimbang, Leo (INDO)

6,714

Lapitan, Luz Adeline (KDP)

3,121

Lapiz, Janos (IND)

10,541

Lawas, Jaime (IND)

4,766

Mendoza, Chabby (IND)

1,946

Montemayor, Senior (IND)

1,666

Nuñez, Gerardo (KDP)

8,199

Oliva, Jonjie (IND)

8,039

Oñate, Ronaldo (IND)

2,648

Pelegrina, Feliz Jr. (IND)

12,179

Pelegrina, Miko (IND)

6,707

Principe, Lulu (IND)

7,911

Valencia, Albert (IND)

4610

Villegas, Allan (KDP)

3,335

MEMBER, SANGGUNIANG PANLALAWIGAN
Bagnes, Neptali (PFP)

17,534

Calderon, Francis (PFP)

3,708

Lajara, Christian Nino (NP)

12,520

Perez, Peewee (PDPLBN)

10,195

Retaga, Ron (PDPLBN)

1,800

Unico, Eric John (BIGKIS)

6,039

Vanguardia, Coach (NP)

3,351

Villanueva, Enrico

3,318

PROVINCIAL GOVERNOR
Alberto, Berlene (IND)

174

Almadrigo, Leonardo (IND)

111

Ejercito, Emilio Ramon (PFP)

9,620

Grajera, Bronson (PDDS)

109

Hernandez, Ramil (PDPLBN)

21,060

Samia, Manolo (IND)

91

PROVINCIAL VICE-GOVERNOR
Agapay, Karen (PDPLBN)

2,3261

San Sebastia, Bro Rico (IND)

2,780

Mula sa 65,754 na rehistradong botante ng Los Banos, mayroon nang 43,654 na botanteng naiulat ngayong gabi.



John Mervin EmbateMay 13, 20191min630

Bjanca Mendiola

Laguna police spokesperson Major Jojo Sabeniano said that they have not received reports on election-related violence as of 6:00PM today.

To ensure security in the voting precincts, officers deployed were required to be the last man out upon the closing of the precincts.

“Kasabay na po sila hanggang sa magsarado yung schools. Last man po silang aalis sa school, na secured na po na wala na pong mga teachers doon at na-transfer na po lahat sa iba’t ibang mga municipalities at cities, tsaka lang po silang makakaalis and they will report to their respective police stations for debriefing and accounting of personnel,” says Police Major Sabeniano.

The police had undergone preparations to ensure a smooth election. They were also reminded to eat enough food and have enough hours of sleep the night before.

Sabeniano said liquor ban ends at 12:00AM, while gun ban will take effect until June this year.



Charlene Mae ArkainaMay 13, 20191min590

Beverly Balmoria, AJA Villar

Ang Ibaba Elementary School, isa sa mga tatlong paaralaang ginagamit bilang presinto sa Paete, Laguna ay naglaan ng priority lane para sa mga PWD, senior citizens at mga buntis bagama’t mahaba pa rin ang pila sa kanilang cluster. Ang priority lane ay upang mas mapadali ang kanilang pagboto at hindi na pumila nang matagal at mabilad sa init.

Ganap na ika-lima ng hapon ay patuloy pa rin ang pagpasok ng mga botante sa paaralan. Ayon kay Frederick Dayo, lider ng isang partido sa Paete, maayos ang daloy ng botohan sa Barangay Ibaba. Aniya, dumagsa ang mga botante noong ika-walo ng umaga hanggang ika-siyam ng umaga, ngunit maluwag na ang dalawa sa tatlong cluster precincts sa paaralan.

Inaasahan pa rin na magpapatuloy ay pagdating ng ilan sa mga botante ng barangay hanggang mamayang ika-anim ng gabi.



Charlene Mae ArkainaMay 13, 20192min680

Nico Rastrullo, AJ Villar, Alie Peter Neil Galeon

Dalawang oras bago matapos ang eleksyon patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga botante mula sa Bagumbayan Elementary School sa Sta. Cruz, Lagunam gayun din sa apat na barangay sa Calamba poblacion.

Bagama’t mataas ang bilang ng mga botante na patuloy na dumarating para humabol sa pagboto, mapapansin na mas mababa ang bilang ng mga senior citizens, persons with disabilities, at pregnant women na pumiling bumoto ngayong hapon.

Para kay Luzviminda Mendoza, 70, naging madali ang proseso ng kanyang pagboto kahit na alas 4 na ng hapon siya dumating sa presinto. Dagdag niya, mas maganda ang naging daloy ng eleksyon ngayong taon kumpara noong 2016 dahil nabigyan ng prioridad ang mga senior citizens na tulad niya.

Ang Calamba Elementary School ay patuloy pa ring dinadagsa ng mga botante mula sa apat na barangay sa Calamba poblacion.

Nakapagtala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng ilang mga residenteng nawawala ang pangalan sa listahan ng mga botante. Ang mga ito ay pinapapunta sa lokal na opisina ng COMELEC sa Calamba City Hall.

Mayroon din na mga election volunteers na namataang ilegal na namimigay ng mga campaign materials sa labas ng paaralan. Ayon sa PNP, hindi nila ito maaaring aksyunan hangga’t hindi nakakatanggap ng reklamo mula sa COMELEC.

Ayon rin sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Division Barangay Quick Respose Team, mayroong silang naitalang isang botanteng nahimatay.

Sa kabila ng mga ito, ayon sa COMELEC official at PNP na nagbabantay sa paaralan, mapayapa ang takbo ng eleksyon sa kanilang lugar.

 



Charlene Mae ArkainaMay 13, 20194min620

Rosemarie De Castro at Alie Peter Galeon

LAGUNA, Philippines – Sa pagbubukas ng mga presinto sa mga botante ngayong araw, nanatiling prayoridad ang mga botanteng senior citizen at persons with disabilities (PWDs). Ikinatuwa naman ng nasabing sektor ang serbisyong ito, na bahagi ng resolusyong tugunan ang usapin ng accessibility- isa sa matagal nang suliranin tuwing eleksyon.

Kabilang sa 10,000 inaasahang botante sa Bubukal Elementary School (BES) sa Sta. Cruz, Laguna mula sa mga barangay ng Bubukal, San Juan, at Labuin ay ang mga kababayan nating “persons with special needs.” Sa kabila ng kawalan ng nakatalagang Emergency Accessible Polling Place (EAPP) sa nasabing pampublikong paaralan, prayoridad pa rin ang pag-alalay sa  PWDs, senior citizens, at heavily pregnant women o iyong mga buntis na kabuwanan na dito.

Ang EAPP ay isang silid o bahagi ng gusali sa unang palapag ng voting centers na nakatalaga para sa PWDs at senior citizens, gayon din sa mga buntis upang mapadali ang kanilang pagboto.

Ayon sa principal ng Bubukal ES na is Clea Manalo, wala pang nakatalagang voting area para sa nasabing sektor sapagkat lahat ng mga lokal na botante ay nakatalaga kada barangay. Sa kabila nito, aniya, lahat naman ng presinto ay mayroon priority lanes. Sinigurado rin ng administrasyon ng paaralan na lahat ng presinto ay nasa unang palapag ng gusali, bilang pagsunod sa Section 3 Part II ng Republic Act 10486.

“Yes po [priority ang mga senior citizens] kanina pa pong umaga. Kahit po bagong [dumating lang] basta po senior, sa unahan lang po then kapag po may lumabas sila po ang uunahin,” ani COMELEC poll watcher John Lexter delos Santos,

Para naman sa 73 taong gulang na si Tatay Mamerto Brgy. San Juan, na alas-sais pa lamang ng umaga ay bumotong mag-isa, ay nagpahayag na nahirapan siyang magpunta sa kanyang polling precint.

“Aba oo mas maganda ngayon. Ang mga senior [citizens] ay may area na sa loob at saka maraming nagbabantay sa loob. Kaya nga lang, mas malayo [ang precincts] ngayon, e dati kami’y nasa bukana lang,” ani Tatay Mamerto.

Samantala, sa lokal ng oryentasyon bago ang araw ng eleksyon, hinimok ng COMELEC ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makipag-ugnayan sa mga guro sa presinto na magtalaga ng help desk lalo na sa mga breastfeeding na ina.

 

 



Charlene Mae ArkainaMay 13, 20194min990

Joyce Ann Santos

Nasirang mga VCM

Bandang 1:30 nang hapon, ilang Vote Counting Machine o VCM ang nagkaaberya sa presinto ng Magdalena, Laguna. Mabilis naman itong natugunan, subalit humaba parin ang pila sa presintong ito habang inaayos ang VCM.

Ayon kay Honey Let Jalos, isang poll watcher, nagka-aberya sa mga precinto ng 39-A, 39-B, at 38-A.

Sa simula, kinakain raw ang mga balota ng VCM, pero ito’y naayos noong na-reset na ito. Ang sumunod naman daw na aberya ay ang automatic na pag-shutdown ng VCM dahil ito’y naubusan ng papel.

“Nung nabuksan po ulit is ok na po yung mga balota po na nakain niya ay nandoon naman po … may memory card naman,” sabi ni Jalos.

Mabilis din daw nasolusyunan ang sumunod na aberya, dagdag ni Jalos. “The third time na nagkaroon ng aberya nag shutdown po siya ng biglaanpero nung binuksan naman po ay ok na siya ulit.”

Hindi mahanap na mga pangalan

Samantala, may mga botanteng nahirapan maghanap ng kanilang mga pangalan sa listahan. Ilang botante ang hindi mahanap ang kanilang pangalan sa listahan ng mga botante sa kanilang presinto.

Ayon sa Voter’s Assistance Desk, kung hindi parin mahanap sa kanilang listahan ang mga pangalan, kinakailangang pumunta ang mga botante sa local COMELEC office.

“May mga cases na hindi mahanap yung mga pangalan nila sa presinto na lumalapit dito. Kapag hindi parin nahahanap, pinapapunta namin sa COMELEC, sabi ni Jamelle Solis, isang PPCRV poll watcher.

Ayon naman sa local COMELEC office ng Magdalena, karaniwan na hindi lamang mahanap ng mga botante ang kanilang pangalan sa naka-paskil na voter’s list, o di kaya ay hindi lamang sila aktibong botante ng munisipalidad. May ilang kaso na rin ng mga ganitong pangyayari, ngunit mabilis namang natutugunan at nakakaboto ang mga botante.

Dahilan dito, may mga ilang botante na matapos abisuhang pumunta sa COMELEC ay pinili na lang na hindi bumoto.

 



Charlene Mae ArkainaMay 13, 20192min2360

Jyasmin M. Calub-Bautista

Bandang 2:40 ng hapon nang madeliver na ng COMELEC technician ang bagong vote counting machine o VCM sa Brgy. Putho Tuntungin, Los Banos Laguna, kapalit ng VCM na nagka-aberya kanina.  Ayon kay PPCRV Coordinator Clarisse Anagao, mahigit isang oras din na natigil ang botohan sa isang presinto kanina, matapos umanong mag-overheat ang VCM. Bukod dito, may dalawa o tatlo pang ibang VCM ang nagkaroon ng bahagyang aberya.

Dagdag pa rito, ayon kay PPCRV pollwatcher Irvin Bequillo, may ilang botante ang tila nalito at nahirapang hanapin ang kanilang presinto. Sabi ni Bequillo, kung hindi nakaboto sa nakaraang 2016 presidential election, malamang ay na deactivate ang pangalan ng botante at kailangan itong ipa-reactivate sa COMELEC. Isa-isa namang nilalapitan ng PPCRV pollwatchers ang mga nakapilang botante upang matulungan silang makasiguro na tama ang kanilang presintong pinipilahan.

Sa kabila ng mga aberya at init ng panahon, tuloy tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga botante dito tulad na lamang ng 79 anyos na si Juanito Lat na bagamat naka-wheelchair ay patuloy pa rin sa pagboto. Ayon kay Lat, ito ay kanyang karapatan kaya naman hangga’t kaya niya, siya ay boboto.

Ayon sa PCRV, may 5,280 rehistradong botante sa Brgy Putho Tuntungin, at may tinatayang 40-50% voter turnout.

 


20190513_115614_720.jpg

Allysa FederioMay 13, 20191min1000

Allysa Federio

PAGSANJAN, LAGUNA – Si dating gobernador Emilio Ramon “ER” Ejercito ay bumoto sa Francisco Benitez Memorial School, alas dose ng hapon ngayong Lunes. Kasama niya ang asawa na si Maita Ejercito at anak na si Jet Ejercito, tumatakbo bilang mayor ng Pagsanjan.

Si ER ay kasalukuyang tumatakbo bilang gobernador ng Laguna. Kalaban niya ang reelectionist na si Ramil Hernandez. Tumatakbo si ER sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

Noong isang buwan lamang ay nahatulan ang tumatakbong gobernador ng anim hanggang walong taon na pagkakakulong sa kasong graft. Ito ay dahil sa isang ilegal na insurance deal habang mayor siya ng Pagsanjan noong 2008. Bagaman maari pang mag-appeal sa kaso, siya ay nanatiling malaya sa ngayon.



About us

This is a partnership among different academic and media institutions in Laguna to promote voters education and provide local election coverage. Bantay Halalan Laguna 2019 is a public service initiative of the UPLB College of Development Communication.


CONTACT US

CALL US ANYTIME



Latest on Twitter



Newsletter