BREAKING NEWS

Vote buying at iba pang paglabag, ipinaliwanag ng isang election lawyer

Ana Victoria DoloresMay 13, 20192min880

Rodrigazo, San Luis, Sumampong

Sa panayam kanina kay Atty. Arnold Bayobay, isang election lawyer, ipinaliwanag nito ang vote buying at iba pang paglabag ngayong election.

Ayon kay Atty. Bayobay, kahit malabo ang kahulugan ng vote buying, para sa kanya, isa itong criminal offense na base sa kontrata ng pagbebenta: may nagbebenta at may bumibili. Nabanggit din niya na sa election code of national candidates, tatlong piso lamang kada mamboboto ang maaaring gastusin ng isang senador sa kanyang kampanya.

Nilinaw niya na dapat klaruhin kung ano nga ba talaga ang vote buying.

Aniya, ang pagbabayad sa mga watchers ay hindi kabilang sa vote buying dahil parte ito ng campaign machinery.

Para naman sa mga diskwalipikasyon bago mag eleksyon, ayon kay Atty. Bayobay, sa COMELEC dapat maghain ng reklamo. Pero kung maghahain ng reklamo matapos ang eleksyon, ang forum o tribunal ng lokal na pamahalaan ang maaaring lapitan. Ang senate electoral tribunal naman ang tatanggap ng mga reports para sa mga reklamo ukol sa mga senador. Binibigyan lamang ng sampung araw ang mga magrereklamo para sa pagfa-file ng diskwalipikasyon.

Nang tanungin ukol sa napansin niyang mga pagbabago sa Eleksyon 2019 mula sa mga nakaraang automated elections, binaggit nito ang pagkakaroon ng Voter Verifiable Voter Trail o ang VVPAT kung saan nababasa na ng mga boto ng mga botante. Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng Voters Electronic Thumbprint Verifier na siyang sumisiguradong walang illegal voters ang makakaboto.

 

 

Ana Victoria Dolores


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


About us

This is a partnership among different academic and media institutions in Laguna to promote voters education and provide local election coverage. Bantay Halalan Laguna 2019 is a public service initiative of the UPLB College of Development Communication.


CONTACT US

CALL US ANYTIME



Latest on Twitter



Newsletter